Saturday

Bugtong : Filipino Riddles Part 3


Bugtungan Tayo !!!
  1. Mayroong araw, mayroong buwan, hindi naman langit. Mayroong katapusan, ngunit muling nagbabalik. Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi. Wakas pa niya ay ipinagbubunyi.
  2. Dalawang tindahan sabay na binubuksan.
  3. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, di lalamon.
  4. May binti, walang hita, may tuktok, walang mukha.
  5. Nagtanim ako ng isip, sa ilalim ng tubig, dahon ay makikitid, bunga'y pagkatulis-tulis.
  6. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni
  7. Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan.
  8. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.
  9. Hinila ko ang baging, nag-ingay ang matsing.
  10. Walang itak, walang kampit, gumagawa ng bahay na ipit.
  11. Kung kailan tinakpan, saka pa nakaaninaw
  12. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
  13. Perlas na labis ang kinang, tubig ang pinanggalingan, nang bumalik sa pinagmulan, natunaw na'y nawala pa ang kinang.
  14. Tahimik kung malamig, sumasayaw kung mainit.
  15. Kay lapit-lapit sa mata, hinding-hindi mo makita.



Halimbawa ng Bugtong  1 - 2 - 3 - 4
Halimbawa ng bugtong tungkol sa prutas 1 - 2

Sagot:

  1. Kalendaryo
  2. Mata
  3. Kudkuran
  4. Kabuti
  5. Palay
  6. Kuliglig
  7. Kulog
  8. Kumpisalan
  9. Kampana
  10. Gagamba
  11. Salamin sa mata
  12. Gabi
  13. Asin
  14. Abaniko
  15. Baba
'

No comments: